Saturday, June 09, 2007

Alter Ego Is Brought Back To Life

May isang blog akong natuklasan na (finally) napapanahon ng ilabas ko at buhayin ang sleeping beauty kong persona. Matagal-tagal ko na rin siyang itinago at itinatwa. Maraming na ring nangyari na dapat nai-blog ko pero wala na, it's all down the drain na.

Dati, noong payat at bata-bata pa ako, may mangilang-ngilang nagsasabing kamukha ko daw siya at parehas daw kami magsalita o mag-comment. Hanggang ngayon, hindi ko alam (o matanggap?) kung seryoso ba silang lahat o ginagago lang nila ako.

Ngayon, sabi ko, let's turn the tables... what if I use it in my advantage (paano man, di pa ako sure?). Ilabas na ang nagtatagong persona. In the language that I am really comfortable with, Tagalog... o minsan, Taglish (Tagalog+English). Paano ko mabubuhay ang personang ito sa pagsusulat? Hindi ko rin alam. Bahala na si Batman, o Batgirl... o si Kuya Boy Abunda (huh?) Let's see na lang if this would work and help me out as well.

So, anong aasahan n'yo sa page blog na ito? Tungkol pa rin sa buhay ko, ng ibang tao kung anu-ano pa na may kasamang panlalait, pang-ookray, may papuri rin naman at siguro, patawa minsan. Pero di ako talaga kumedyante eh. I may speak like her in this page blog also. Basta, surprise na lang. Kasi baka pati ako, masupresa rin.

Good luck sa ating lahat.

Sana hindi ako mahabla lang sa gagawin kong ito. Hindi ko rin ma-guarantee na kathang-isip lang ang mga lalabas dito o nangyari sa buhay ko. Pasensya na lang sa mga taong tatamaan kung magiging pasaway ako. Sabi nga, bato-bato sa langit ang tamaan ay... GUILTY!

Mga kapatid... Kristeta Punyeta is back from the dead!

No comments: